James binitbit ang Cavaliers sa playoffs

CLEVELAND – Humugot si LeBron James ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para igiya ang Cavaliers sa 95-92 panalo laban sa Indiana Pacers papasok sa una nilang playoffs matapos noong 2010.

Ito ang pang-15 sunod na home victory ng Cavs.

Dahil sa panalo ay nakamit ng Cavaliers ang isang playoff spot, ang kauna-unahan nila matapos noong 2010 nang lumipat si James sa Miami.

Bagama’t mabigat ang pakiramdam ni James ay umiskor pa rin siya ng 11 sunod na puntos para ibi­gay sa Cleveland ang 93-92 lead sa fourth quarter.

Ngunit si Cavs guard Iman Shumpert ang tunay na nagbida makaraang kunin ang long rebound at nagsalpak ng dalawang free throws sa huling segundo ng laro.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ay hindi sumama si James sa mor­ning shoot around ng Cavs para maka­pagpahinga.

Tumapos si Kyrie Irving na may 13 points para sa Cleveland.

Sa Oklahoma  City, nagtala si Russell Westbrook ng isa pang triple-double at humugot ng 17 sa kanyang 36 points sa fourth quarter para tulu­ngan ang Thunder sa 123-115 panalo sa Atlanta Hawks.

Nagdagdag si Westbrook ng 10 rebounds at 14 assists para sa kanyang ika-pitong triple-double matapos ang All-Star break at pang-siyam ngayong season.

Sa iba pang laro, tinalo ng Philadelphia ang New York, 97-81; binigo ng Brooklyn ang Milwaukee via triple overtime, 129-127; inungusan ng Sacramento ang Charlotte, 101-91; pinatumba ng Miami ang Denver, 108-91; at ginapi ng Memphis ang Dallas, 112-101.

Show comments