Pacquiao-Mayweather fight mababahiran ng kontrobersya kung...

MANILA, Philippines - Habang ang lahat ay nasasabik na mapanood ang klasikong bakbakan sa ring sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., may posibilidad pa rin na mabahiran ng kontrobersya ang laban lalo na kung mauwi sa desisyon ang tagisan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.

At para maiwasan ang anumang kontrobersya, nana­nalig si Antonio Tarver na ang tatapiking mga hurado ay patas tumingin sa laban para sa pinakamalaking sagupaan sa kapanahunang ito.

“You never want controversy in boxing and I think this fight is so important and the world watching, I don’t think it leaves room for error with everybody watching,” wika ni Tarver, dating kampeon sa light heavyweight sa Ontheropesboxing.com.

Hindi na bago ang pagkakaroon ng masamang judging sa malaking laban at si Pacquiao ay nabiktima na rin nito.

Ang unang laban nila ni Timothy Bradley ay nauwi sa kontrobersya nang igawad sa una ang panalo gayong nakapagdomina si Pacman sa laban.

Sa kabilang banda, sinasabing si Mayweather ay kinakatigan ng mga hurado kapag nalalagay sa alanganin sa laban.

“I think this fight is gonna be judged fairly. I’m not even gonna set my mind up to think otherwise and I think they’ll do a pool and have the very best judges there, even referees,” ani nito.

Kapag ganito ang mangyayari, walang duda si Tarver na hahataw ang aksyon kina Pacman at Mayweather para kilalaning kampeon sa WBC, WBA at WBO welterweight division.

Parehong nagsimula na sa pagsasanay ang mag­kabilang kampo at si Pacquiao ay sinasanay ni Buboy Fernandez dahil nasa Macau pa si Freddie Roach para samahan si Zou Shiming na puntirya ang IBF flyweight title.

Ikinokondisyon ni Pacman ang sarili dahil wala siyang balak kungdi ang habulin si Mayweather kung magdesis­yon ito na tumakbo sa laban.

Show comments