Paul Lee tumiklop, nais makipag-ayos sa Rain or Shine
MANILA, Philippines – Nais plantsahin ni Paul Lee ang gusot sa pagitan nila ng kanyang koponan sa PBA na Rain or Shine at sa kanyang coach na si Yeng Guiao.
Sinabi ng Gilas Pilipinas guard na didiretso siya sa ensayo ng Elasto Painters pagkabalik niya sa Pilipinas upang maayos ang problema.
“He’s waiting for me. We’ll talk. As coach Yeng has said, any problem can be resolved in a good, serious talk,” pahayag ni Lee na unang nagpahayag na ayaw na niyang maglaro para sa Rain or Shine.
“I just can’t leave coach Yeng. He’s so good to me, he’s like a father to me. We’ll to talk to find a solution if there’s any problem,” dagdag niya.
Pinabulaanan ni Lee na may ibang koponan sa PBA ang nanghikayat sa kanya na lumipat.
Naging isyu ang paglalaro ng dating University of the East cager nang matapos ang kanyang kontrata sa Elasto Painter.
“I was just exploring my options. I’m not ruling out staying at Rain or Shine which to be fair is so good to me and to all the team members. We’re like a family,” wika ng PBA 2012 Rookie of the Year.
Tinatayang P15.1 milyon ang halaga ng kontrata ni Lee sa Rain or Shine para sa tatlong taong paglalaro.
- Latest