SEVILLE - Sanay si Jayson Castro sa flopping para makakuha ng foul sa PBA tulad ng ibang manlalaro.
Pero para sa manlalaro ng Talk N’Text at Gilas Pilipinas, hindi siya nag-flopping sa laro kontra sa Croatia na nagresulta para pituhan siya ng technical foul.
“Sinuwag ako,” wika ni Castro habang naghahapunan sa team hotel. “Hindi iyon flopping, hanggang ngayon ramdam ng dibdib ko na sinuwag ako.”
Nagreklamo si Castro sa tawag na sinuklian ng referee ng technical foul.
Dalawang free throws ang naipasok ni Krunoslav Simon bago kumunekta si Damir Markota ng tres sabay tunog ng buzzer para itulak ang Croatia sa 57-49 lead.
Ang tawag na iyon ay itinuturo ni Gilas coach Chot Reyes na krusyal lalo pa’t tatlong puntos lamang ang layo ng Croatia sa Pilipinas sa final score sa overtime, 81-78, sa unang laro ng FIBA World Cup noong Sabado ng gabi.
“The refs called a technical foul that I couldn’t believe. The refs said Jayson was flopping. The guys is 5-10 and he’s guarding a 6-5, how can that be flopping?” wika ni Reyes.
“That’s the difference. If not for that technical foul, we could have won the game. The game wouldn’t have gone into overtime. The refs called a technical; Croatia made the free throws then made a trey at the buzzer. That’s five points and that’s the difference in the game,” paliwanag pa ng batikang coach.
Hindi man nakuha ang panalo ay nakuha naman ng Pambansang koponan ang respeto hindi lamang sa mga Filipino community na sumuporta sa laro kungdi ang lahat ng koponan na kasapi sa liga.