MANILA, Philippines - Hindi bibigay ang Batang Gilas kahit mahirap ang laban na haharapin kung pagsungkit uli ng titulo sa FIBA Asia U18 Championship ang pag-uusapan.
Sa panayam ng fibaasia.net kay national coach Jamike Jarin, sinabi niya na ang Iran, China at Korea ang siyang mga paborito na manalo sa edisyon.
“This is given as things stand now. China have the size, Korea have the speed and Iran have a very good mix of both,” paliwanag ni Jarin.
Ang Pilipinas? Lalaban ito hanggang sa huli garantiya ng coach.
Nagpahinga ang aksyon noong Lunes at bumalik ang laro kahapon sa crossover quarterfinals.
Tumapos ng 3rd place sa Group E sa 3-2 karta, ang Pambansang koponan ay kinalaban kagabi ang Chinese Taipei na pumangalawa sa Group F sa 4-1 karta.
Kung malusutan ang Taiwanese team, ang katapat ng Pilipinas sa semifinals ay ang two-time defending champion China na tumalo sa Batang Gilas ng 42 puntos, 49-91.