MANILA, Philippines - Nang sagupain ni Manny Pacquiao si Lehlo Lwedwaba noong 2001 para sa kanyang unang laban sa United States ay hindi pinansin ang Sarangani Congressman.
Ngunit matapos pabagsakin si Ledwaba sa sixth round para agawin ang suot nitong International Boxing Federation (IBF) super bantamweight crown ay nagtuluy-tuloy si Pacquiao para maging Filipino world eight-division champion.
At umaasa si American challenger Chris Algieri na masusundan niya ang mga yapak ni ‘Pacman’.
“He came in fighting a known champ and he wanted to be the man,” sabi ng 30-anyos na si Algieri sa 35-anyos na si Pacquiao. “I’m in that position. So I don’t think about who Manny is and he’s a legend, because that would put me in a position where I don’t think I belong with.”
Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) light welterweight title laban kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Sinabi ng 5-foot-10 na si Algieri na lubos niyang gagamitin ang kanyang height at reach advantage laban sa 5’6 na si Pacquiao.
“I don’t care what you got. I don’t care what how strong you are. A good jab and a good mind can neutralize anything,” wika ni Algieri.
Kaugnay nito, binuska naman ni chief trainer Freddie Roach si Algieri na tumalo sa kanyang alagang si Ruslan Provodnikov via split decision noong Hunyo sa Brooklyn, New York.
“I hope that he understands that this is a fight and not a marathon,” ani Roach kay Algieri na umagaw sa bitbit na WBO light welterweight belt ni Provodnikov sa kabila ng dalawang beses na pagbagsak sa first round. (RC)