^

PSN Palaro

Giyera sa Big Dome!: Ateneo puntirya ang ika-2 panalo vs La Salle

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

11 a.m. DLSU vs ADMU

4 p.m. UST vs FEU

 

MANILA, Philippines - Muling magpapanagpo ang magkaribal na La Salle at Ateneo sa isa na namang giyera sa 77th season ng UAP men’s basketball  tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Archers, ang nagdedepensang kampeon, at ang Eagles  ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang banggaan ng FEU Tamaraws at ng UST  Tigers sa alas-4 ng hapon.

Pipilitin ng La Salle ni head coach Juno Sauler na makabangon mula sa 77-82 pagyukod sa FEU sa pagbubukas ng torneo noong nakaraang Sabado.

Target naman ng Ate­n­eo ni Bo Perasol ang ka­nilang pangalawang sunod na panalo matapos gibain ang Adamson, 79-57.

“Walang ka-edge-edge ang Ateneo against La Sal­le sa lahat ng posisyon,” wi­ka ni Perasol.

Kumpiyansa naman si Sauler na makakabawi ang kanyang koponan mula sa kabiguan sa Tamaraws.

“A loss is not good and sometimes a win is not good. What’s more important, whether you win or lose, you are learning from the mistakes you committed,” wika ni Sauler.

Sa nasabing pagkatalo sa FEU ay nagtala si La Salle superstar Jeron Teng ng masamang 4-of-15 fieldgoal shooting.

Sa ikalawang laro, tatargetin naman ng Tamaraws ni Nash Racela ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Tigers ni Bong Dela Cruz, nakalasap ng 40-59 pagyukod sa NU Bulldogs.

ATENEO

BO PERASOL

BONG DELA CRUZ

JERON TENG

JUNO SAULER

LA SAL

LA SALLE

SMART ARANETA COLISEUM

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with