Ravena nagpasiklab sa panalo ng Eagles

Hinarangan ni John Apacible ng Ateneo si Alex  Inigo ng Adamson para makalusot ang kakamping si Kiefer Ravena. (JUN MENDOZA)

MANILA, Philippines - Sa kanyang pababalik sa dati niyang pamatay na porma ay ang inaasahang muling paglipad ng mga Blue Eagles.

Umiskor si Kiefer Ra­vena ng 22 points, kasama dito ang dalawang matin­ding slam dunk, para pangunahan ang Ateneo De Manila University sa 79-57 paglampaso sa Adamson University sa 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagdagdag sina Chris Newsome at rookie Arvin Tolentino ng tig-12 markers para sa 1-0 record ng Blue Eagles kasalo sa unahan ang FEU Tamaraws at UE Red Warriors.

“All of us wanted to be better than what we were last season,” wika ni Ateneo coach Bo Perasol, nabigong maipasok ang Katipunan-based cagers sa Final Four noong nakaraang season.

Mula sa 24-11 abante sa first period ay pinalabo ng Blue Eagles sa 27 points ang kanilang kalamangan sa Falcons ni rookie mentor Kenneth Duremdes.

At mula dito ay hindi na nakaporma ang Adamson.

Pinamunuan nina Ivan Villanueva at Jansen Rios ang Falcons sa kanilang tig-15 points

Sa ikalawang laro, nanaig din ang NU Bulldogs sa UST Tigers, 59-40.

 

Show comments