^

PSN Palaro

Coach ng La Cathedral humanga sa kanyang laro Kobe Paras nagmarka sa US

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nagkamali si Kobe Paras sa desis­yon na iwan muna ang Philippine basketball at subukan kung makakagawa siya ng marka sa US.

Nabalita ang anak ng dating PBA  MVP na si Benjie Paras sa LA Times nang gumawa ito ng magandang laro kahit natalo ang LA Cathedral sa Long Beach Poly, 50-57, DeMar De Rozan tournament sa Los Angeles.

Ang dating manlalaro ng La Salle Greenhills ay nagtala ng 22 puntos, kasama ang tatlong triples, bago na-foulout may 48 se­­gundo sa labanan.

Umani ng atensyon ang ipinakitang laro ng 6’6’ na si Paras dahil maging ang mga manonood ay isi­nisigaw ang kanyang pa­ngalang Kobe sa kabuuan ng labanan.

Sikat ang pangalang Kobe sa LA dahil dito nag­lalaro ang NBA star na si Kobe Bryant para sa Los Angeles Lakers.

Sa panulat ng LA Times, hindi napigilan ng LA  Cathedral coach na si William Middlebrooks na puri­hin ang laro ng batang bas­ketbolista na tumulak sa US noong nakaraang taon.

“He’s OK,” wika ni coach Middlebrooks. “He’s got a lot to learn.”

Bago ito ay nakilala si Paras sa mundo nang kunin ang slamdunk title sa FIBA World 3-on-3 noong nakaraang taon na ginawa sa Jakarta, Indonesia.

Nasiyahan si Paras sa mainit na suporta ng mga manonood lalo na kapag binabanggit ang kanyang pangalan habang nasa loob ng court.

“It’s motivation when they scream my name. I can get pumped,” ani Paras.

Si Jordan Dallas ang nanguna sa Long Beach Poly sa kanyang 22 puntos

Ang ipinakita ni Paras ay magandang senyales sa LA Cathedral dahil nadagdagan ang kanilang arsenal sa susunod na sea­son.

Ito ay dahil ang 6’10 Bra­zilian na si Lucas Sie­wart na kilala rin sa husay sa pagbuslo ay maglalaro na rin sa koponan.

Ang tambalang Siewart at Paras ay inaasahan ding magdadala ng mga manonood para panoorin ang galing ng dalawang batang manlalaro. (AT)

 

BENJIE PARAS

DE ROZAN

KOBE

KOBE BRYANT

KOBE PARAS

LA SALLE GREENHILLS

LONG BEACH POLY

PARAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with