MANILA, Philippines - Gumana ang kamay ni Bobby Ray Parks Jr. sa huling yugto para tulungan ang NLEX Road Warriors sa paghagip ng ikaanim na sunod na panalo sa 98-82 panalo sa Derulo Accelero Oilers sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.
May 3-pointer at 3-point play si Parks sa nasabing yugto para makakalas ang Road Warriors mula sa huÂling pagdikit ng Oilers sa tatlong puntos, 74-71, upang manatili ang pagiÂging walang talong koponan sa liga.
Tumatag pa ang kapit ng Cebuana Lhuillier Gems sa ikalawang puwesto nang naipasok ni Brian Ilad ang reversed lay-up tungo sa 77-76 panalo sa Café France Bakers.
Si Mon Abundo ang nagbigay ng 76-75 kalaÂmangan sa Bakers at nagÂkaÂroon ng magandang pagÂkakataon na maipanalo ang laro nang sumablay ang dalawang free throws ni Marcy Arellano.
Pero si Arellano rin ang naÂkakuha sa offensive rebound at naispatan ang nasa ilalim na si Ilad tungo sa winning basket.
Umangat ang Gems sa 4-1 karta habang ang BaÂkers ay bumaba sa 2-3 karta.
May dalawang dikit na tres ang ginawa ni Roider Cabrera habang apat ang ginawa ni Rudy Lingganay para pagningasin ang opensa ng Boracay Rum at kunin ang 76-70 panalo sa Big Chill.