^

PSN Palaro

Solons iiwas masibak vs Patriots sa UNTV Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Haharap sa do-or-die game ang House of Representatives Solons sa pagpapatuloy ng 2nd UNTV  Cup ngayong ha­pon sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Kalaban ng Solons ang Ma­lacañang Patriots at ka­­ilangang manalo ang una ng mahigit 15 puntos para umusad sa susunod na round.

Hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro ang HOR at ang makukuhang panalo ay magreresulta sa three-way tie sa panig ng nasabing koponan, Patriots at ang pahingang Senate sa 1-3 sa Group A.

Ngunit matatanggal pa rin ang HOR kung hindi maabot ang winning margin na kailangan dahil sa taglay na pinakamababang quotient.

Tapusin ang group eli­mination taglay ang 4-0 sweep ang nakataya sa nagdedepensang Judiciary na sasagupain ang Metro Manila Development Authority Black Wolves sa ikalawang laro.

Placing na lamang ang mangyayari sa Group B dahil nauna nang namaalam sa liga ang Department of Justice na hindi pinalad na nanalo ng isang laro (0-4).

DEPARTMENT OF JUSTICE

GROUP A

GROUP B

HAHARAP

HOUSE OF REPRESENTATIVES SOLONS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY BLACK WOLVES

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with