MANILA, Philippines - Sa Abril pa magdedesisyon ang PBA Board of Governors kung sino sa Ever Bilena (Blackwater Sports), Columbian Autocar Corp. (Team KIA) at NLEX ang kanilang aaprubahan para maging miyembro sa susunod na season.
Ito ang inihayag kahapon ni PBA CommissioÂner Chito Salud sa pulong ng PBA Board sa PBA office sa Libis, Quezon City.
Ang Colombian Autocar ang unang nagsumite sa PBA ng kanilang letter of intent para makakuha ng prangkisa kasunod ang Ever Bilena at ang NLEX, nasa ilalim ng MVP Group ni Manny V. Pangilinan.
Ayon kay Salud, bago ang naturang desisyon sa Abril ay aalamin muna ng liga ang corporate structure at financial capability ng Ever Bilena, Columbian Autocar at NLEX. Matapos ito ay gagawa sila ng proposal sa PBA Board.
Kapwa nagpahayag ng kahandaan ang tatlong kumpanya na bumili ng PBA expansion franchise sa halagang P100 million.