MANILA, Philippines - Pinayukod ng San Mig Coffee ang Rain or Shine sa Game Two, 80-70, noÂong Linggo na nagtabla sa kanilang best-of-seven championship series sa 1-1 para sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.
Sinabi ni Elasto Painters’ head coach Yeng Guiao na hindi na sila dapat matalo sa Mixers sa Game Three ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
“San Mig Coffee is too experienced a team. We can’t afford to let them seize the initiative,†wika ni Guiao.
Sa likod ng pagbibida ni Paul Lee, nilusutan ng Rain or Shine ang San Mig Coffee, 83-80, sa Game One noong nakaraang Biyernes bago natalo noong Linggo.
Sa nasabing kabiguan ay tumipa ng malamyang 6-of-26 shooting sa three-point range ang Elasto Painters, kasama dito ang 1-of-4 ni Lee at 0-of-2 nina Chris Tiu, Ryan Araña, Beau Belga at Gabe Norwood.
Tanging si Jeff Chan, nagposte ng 4-of-7 clip sa 3-point line, ang player na nagtala ng double figures sa kanyang tinapos na 18 points para sa Asian Coating franchise.
Inaasahan naman ni Mixers’ mentor Tim Cone na muling puputok sina two-time PBA Most ValuaÂble Player James Yap at PJ Simon bukod pa kina Marc Pingris, Rafi Reavis at Joe Devance.
Umiskor si Simon ng 15 markers sa Game Two kasunod ang tig-13 nina Yap at Devance at 11 ni Pingris, humakot din ng 12 rebounds, 4 assists at 2 shotblocks.
Sinabi ni Cone, hangad na maungusan ang record na 15 PBA titles ni legenÂdary coach Baby Dalupan, na naitabla lamang nila ang serye at ang Rain or Shine pa rin ang nagdidikta sa serÂye.
“All we did was tie the series. They still dictate it,†sabi ni Cone.
“We’ll have to be ready to make in-game adjustments to the new things they will bring to the table.â€
Ayon pa kay Cone, maÂlaki ang naitulong ng dalawang araw na pahinga sa kanila.
“The two days between games will help us. We feel we’ll be ready for anything they throw at us,†pagtatapos ni Cone.