MANILA, Philippines – Laking pasalamat ni Ginebra “GINeral†LA Tenorio sa mga sumoporta sa kabila nang pagkakamaling nagawa sa semi-finals series nila ng San Mig Coffee sa 39th season ng PBA All Filipino Cup.
Tumipa ng 14 points, kabilang ang dalawang tres na bumura sa kalamangan ng Coffee Mixers, at tigatlong rebounds at assists si Tenorio upang matulungan ang Gin Kings na madala ang serye sa winner-take-all Game 7 sa iskor na 94-91.
“Nagdasal lang talaga ako. Iyung before the game, I passed by the church, yun lang ang naging lakas ng loob ko to get back in the game,†wika ni Tenorio matapos basagin ang dalawang araw na katahimikan.
Natalo ang Ginebra sa Game 5 ng serye, 76-79, matapos hindi maipasok ni Tenorio ang huling dalawang possession nila.
"Intense lang talaga ang fans ng Ginebra. Unusual sa akin yung mental lapse na ganun. Pero nangyayari yun sa lahat ng players. I made a mistake," pag-amin ng national basketball team member.
"Well, it was a big mistake. For me it's the biggest mistake I've ever done in my whole career."
Ininda ito ni Tenorio na sa unang pagkakataon ay tumangging magpa-interview sa mga mamamahayag.
BIlang paghahanda rin sa laban kahapon, binasa rin ni Tenorio ang “open letter†ng isang die-hard fan na si Erson Villangca.
Pero hindi inisip ng dating Ateneo point guard na bumawi para sa sarili lamang.
“I didn’t think for myself na babawi ako. Ang iniisip ko lang yung team na manalo ngayon (last night),†wika ni Tenorio.
“I think 'yun ang key sa turnaround. I asked the players na tulungan din ako. Manalo lang kami, malaking tulong na sa akin, that’s why I want to thank my teammates for lifting my morale,†dagdag niya.
Alam ni Tenorio na hindi pa tapos ang kanilang problema at kailangan nilang daigin bukas ang San Mig upang makatawid sa Finals at makabangga ang Rain or Shine.
"Pero hindi pa tapos," banggit ni Tenorio. "It's a good sign that there is a Game 7. Malaking bagay na ang team namin diyan magaling eh kapag may adversities."