MANILA, Philippines - Ininda ng FEU ang pagkawala dahil sa injury ni Remy Palma upang madagukan ang hanap na krusyal na panalo sa UP na naiuwi ang 26-24, 25-16, 16-25, 25-19, panalo sa UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 20 hits si KaÂtherine Adrielle Bersola habang sina Angeli Araneta, Sheeka Gin Espinosa at Monica Maria Ortiz ay tumapos bitbit ang 15,13 at 12 hits para ibigay lamang sa Lady Maroons ang ikalaÂwang panalo sa 13 laro.
Sinikap ni Bernadette Pons na balikatin ang Lady Tamaraws sa kanyang 21 kills tungo sa 22 hits pero malaking bagay ang balanseng atake ng kalaban para bumaba ang FEU sa 6-7 baraha.
“We are trying to build on what we can for next year. This win will serve as a morale booster to the team as we go into our final game,†wika ni UP coach Jerry Yee.
Sinuwerte pa rin ang Lady Tamaraws dahil napaÂngatawanan ng National University ang pagiging number two team sa stanÂdings nang padapain ang Adamson, 15-25, 25-23, 25-20, 34-32, sa ikalawang laro.
Si Dindin Santiago ay mayroong 21 puntos, tampok ang 19 hits ngunit kinailangan ng Lady Bulldogs ang error ni Faye Janelle Guevara para maÂtapos ang larong tumagal ng isang oras at 51 minuto.
May tig-14 puntos sina Myla Pablo at Carmin Aganon habang si Jaja Santiago ay may 12 hits na iniambag para manatiling nakadikit ang Lady Bulldogs sa walang talong La Salle sa 12-1 karta.
May 6-7 din na karta ang Adamson at mahalaga ang magiging resulta ng huling laban ng Adamson at FEU sa huling asignatura para madetermina ang mga maglalaro sa semis.
Huling laro ng Adamson ay laban sa UST habang ang FEU ay katagiÂsan ang Ateneo.
Sa mga kabiguang ito ng Adamson at FEU ay naÂselyuhan na ng Lady Eagles ang pangatlong puwesto sa semis.