MANILA, Philippines - May kabuuang P600,000.00 ang premyong pagÂlalabanan sa 42nd Philippine International Open Tenpin Bowling Championships na magsisimula ngayong ika-10 ng umaga sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.
Tampok na premyo ang inilagay sa men’s at ladies Open Masters champions na tatanggap ng P150,000.00 at P60,000.00 ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang premyo sa ibang dibisyon na paglalabanan ay P80,000.00 at P40,000.00 sa Graded Masters champions; P50,000.00 at P30,000.00 sa Associate Masters champions; P40,000.00 at P25,000.00 sa Senior Masters champions at P25,000.00 at P20,000.00 sa Youth Masters champions.
Magkakaroon din ng Toti Lopa Memorial Cup at ang mananalo ay may P30,000.00 premyo habang P50,000.00 ang premyong inilaan para sa mga manlaÂlarong makakapagtala ng perfect game.
Kung maraming bowlers ang makakagawa nito, paghahatian nila ang inilaang premyo sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Bowling Congress at may basbas ng Asian Bowling Federation.
Si Cainta Mayor Kit Nieto at PSC Commissioner Iggy Clavecilla ang siyang inimbitahan para maging guests of honor sa opening ceremony sa 15-araw na event.