^

PSN Palaro

3 Fil-Ams pupukaw ng atensyon sa PBA Rookie Draft

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Fil-American aspirants ang inaasahang tatapunan ng atensyon sa 2013 PBA Rookie Draft sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Place sa Ermita.

Ang mga ito ay sina 6-foot-9 centers Isaac Holstein at Maika Usita at 6’3 James Forrester, isang Fil-Am na lumaki sa Canada at may 41-inch vertical leap.

Si Holstein ang bumandera sa PBA D-League sa shotblocks at naglaro para sa Gilas Pilipinas sa Dubai Invitational noong 2012.

Si Usita naman ay isang Filipino-Hawaiian na ang amang si John Usita ay mula sa Cagayan Valley.

Si Forrester ay naglaro para sa Arellano University sa NCAA at sa Cagayan sa PBA D-League at ang angkan ay tubong Pampanga.

Nagsanay si Forrester ng isang taon sa IMG Academy sa United States bago kumampanya para sa Chiefs sa kasalukuyang 89th NCAA season.

Sina seven-footer Greg Slaughter, 6’8 Ian Sangalang at 6’7 Raymond Almazan ang inaasahang mahihirang bilang No. 1, 2 at 3 overall picks.

ARELLANO UNIVERSITY

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE

DUBAI INVITATIONAL

GILAS PILIPINAS

GREG SLAUGHTER

IAN SANGALANG

ISAAC HOLSTEIN

JAMES FORRESTER

JOHN USITA

MAIKA USITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with