MANILA, Philippines - Muling magpapatuloy ang labanan para sa badÂminton titles at ranÂking points ngayong buwan sa paghataw ng pang-waÂlong leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) sa Oktubre 26-31 sa Powersmash at sa RoÂbinsons Place Manila.
Patuloy ang pagpapaÂtala at ang deadline ay naÂkatakda sa Oktubre 14.
Ang entry fee ay P500 para sa unang entry at P250 para sa susunod na pagpapalista.
Ang pagpoposte ng mga partisipante ay sa Oktubre 16 at ang draw ay sa Oktubre 18 sa PBaRS office sa San Juan City, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.
Para sa detalye ay magtungo sa PBaRS office sa 20 E. Maclang cor. P. Guevarra Sts., San Juan City o kaya ay tumawag sa 7252568 at 7828202.
Ang on-line registration ay maaaring gawin sa pbars.com.
Ang event ay ang taÂnging ranking badminton tournament, may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.
Winalis nina Toby Gadi at Bianca Carlos ng Golden Shuttle Foundatio ang premier Open singles titles.