Army kampeon sa PSL
MANILA, Philippines - Hindi binigo ng TMS-Army ang mga sumusuporta sa koponan nang mapanalunan ang Philippine Super Liga Invitational title sa pamamagitan ng 25-15, 25-18, 14-25, 25-16, panalo sa Cignal kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Gumana ang mga spiÂkers ng Lady Troopers sa pamumuno nina Mary Jean Balse, Jacqueline Alarca at Jovelyn Gonzaga para hiranging kauna-unahang kampeon ng ligang inorganisa ng Sportscore katuwang ang Solar Sports, Mikasa at Asicss
“Sa pagsisimula ng fourth sinabi namin na huwag naming ibibigay ito dahil sa amin na ito. One team,one goal,one heart kami at may tiwala sa isa’t-isa,†wika ni Gonzaga na mayroong 12 puntos, tampok ang 11 hits.
Si Alarca ay mayroong 12 puntos din habang 16 ang ginawa ni Balse kasama ang winning kills mula sa quick set ni Cristina Salak na tumapos sa larong inabot ng isang oras at 28 minuto.
Halagang P150,000.00 ang premyong napanalunan ng tropang hawak ni coach Rico de Guzman na matapos matalo sa unang laro laban sa Cagayan Valley ay winalis ang sumunod na pitong laro.
May 11 hits si Honey Royse Tubino para sa HD Spikers na nagkaroon ng P100,000.00 pabuya.
Naisuko ng Cignal ang labanan sa kills, 33-44, bukod pa sa blocks, 5-7, ngunit minalas pa silang nagtala ng 30 errors para makontento sa pangalawanag puwesto.
Nauna rito, sinorpresa ng Petron ang Cagayan Valley sa 25-18, 22-25, 26-24, 25-18, panalo upang makuha ang ikatlong puwesto sa liga.
Nakuha ng PLDT-MyDSL ang ikalimang puwesto nang makarekober matapos mawala ang 2-0 kalamangan tungo sa 25-18, 26-24, 21-25, 21-25, 20-18, panalo sa PCSO Bingo Milyonaryo.
Samantala, si Venus Bernal ng Cignal ang hinirang bilang Most Valuable Player ng liga.
Ang mga kakamping sina Honey Joy Tubino, Jen Reyes at Ariane Argarin ang Best Spiker, Best Receiver at Best Setter habang ang TMS-Army na si Tina Salak ang Best Blocker.
Ang mga Cagayan Valley players na sina Sandra Delos Santos at Jheck Dionela ang Best Server at Best:Libero habang si Pau Soriano ng PLDT-MyDSL ang Best Scorer.
- Latest