Bynum puntirya ng Cavaliers; Kaman tumuloy na sa Lakers

CLEVELAND --- Inalok ng Cavaliers si free agent cen­ter Andrew Bynum ng isang two-year, $24 million deal kasama ang dagdag na incentive bonuses, ayon sa ulat ng Yahoo! Sports.

Umalis naman si Bynum ng Cleveland at nagtungo sa Atlanta pa­ra kausapin ang mga Hawks officials.

Nililigawin din ng Cavaliers sina free agents Andrei Ki­rilenko at Elton Brand para sa isang posibleng one-year deals.

Hindi nakapaglaro ang 25-anyos na si Bynum sa Philadelphia 76ers noong nakaraang season dahil sa problema sa kanyang mga tuhod na nangailangan ng surgery.

Ang pinakamagandang season ni Bynum ay noong 2011-2012 habang siya ay naglalaro pa sa Los Angeles La­­kers kung saan siya nagtala ng mga averages na 18.7 points at 11.8 re­bounds.

Noong nakaraang taon ay dinala ng Lakers si Bynum sa 76ers bilang bahagi ng isang four-team deal na nagtampok sa paghugot ng Lakers kay Dwight Howard mula sa Orlando Magic.

Samantala, tuluyan nang nakipagkasundo si Chris Ka­­man sa Lakers, iniwan ni Howard makaraang lumipat sa Hous­ton Rockets.

Ang 31-anyos na si Kaman ay nakatakdang pumirma sa isang $3.2 million contract sa Lakers.

Show comments