ILLAM batters papalo sa WS

CLARK FREEPORT ZONE , Philippines  --Kinamada ni Ponz Balagtas ang game-winning single para umabante ang ILLAM sa Senior Lea­gue Baseball World Series sa kapana-panabik na 7-6 panalo sa CNMI sa pagtatapos kahapon ng Asia-Pacific and Middle East tournament sa Clark Parade Ground dito.

Ang ikatlong hit sa ika­pito at huling inning ng Pilipinas na naihatid  ni Balagtas ang nagpaiskor kay pinch runner Rafael Esguerra.

Si Esguerra ang pumalit kay Boo Barandiaran na gumawa ng lead-off hit bago umabante sa se­cond base sa single ni Tony Ozaeta at tumungtong sa third sa walk ng ikatlong pitcher ng CNMI na si Darjon Jones.

Ang ILLAM na lalaro sa Bangor, Maine mula Agosto 11 hanggang 17, ang ikalimang koponan mula sa Pilipinas na nakakuha ng puwesto sa World Series.

Ang iba pa ay ang dalawang koponan ng Iloilo (Little League at Junior Lea­gue), Laguna (Senior League) at Manila (Big Lea­gue) sa larangan  ng softball.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Little League Philippines district adminis­trator Jolly Gomez sa ipinakita ng home team na lumahok sa lahat ng siyam na dibisyon na pinag­la­banan.

Show comments