Houston palaban na sa titulo sa pagdating ni Howard
HOUSTON--Noong nakaraang offseason, hindi masÂyadong pinapansin ang Houston Rockets na isang batang koponan na may mahinang star power.
Ngayon, matapos makuha si James Harden sa nakaÂraang season at naidagdag si Dwight Howard, naging isang title contender na ang Rockets.
Ngunit ayon kay Houston general manager Daryl Morey, ang pagkuha kay Howard ay ang unang hakbang pa lamang para mapalakas ang kanilang koponan.
Si Howard ang pinakabagong superstar center ng Rockets matapos sina Hall of Famer Hakeem Olajuwon at eight-time All-Star Yao Ming.
Nakapasok sila sa playoffs ng nakaraang season sa unang pagkakataon matapos noong 2009.
Bumangon ang Houston mula sa isang 0-3 pagkakabaon bago tuluyang sinibak ng Oklahoma City Thunder sa Game 6.
Makakatuwang ni Howard sa Rockets sina Harden, Jeremy Lin at Chandler Parsons bukod pa kay Omer Asik na isang solid rebounder.
Ang 6-foot-11 star na si Howard ay nagtala ng mga averages na 18 points at 13 rebounds per game sa kanyang nine-year career.
- Latest