MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni multi-titled volleyball coach Roger Gorayeb ang mga sports officials na panatilihin ang biÂnuong women’s volleyball team manalo man o hindi sa lalahukang South East Asian Zonal Qualification Tournament sa Vietnam mula Hunyo 14 hanggang 16.
Si Gorayeb na siyang itinalagang coach ng Pambansang koponan ay dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon at kanyang ipinagdiinan na malaki ang potensyal na hawak na koponan na makasabay sa maÂlalakas na bansa sa rehiyon kung patuloy na bibigyan ng suporta ng pamahalaan.
“Ang pakiusap lang namin, kahit hindi na yung coaching staff, na i-maintain na lamang itong team na ito. MagaÂgaling at malalaki ang mga batang ito,†wika ni Gorayeb.
Makikilatis ang koponan sa pagsali sa Vietnam na kung saan ang mananalo ay aabante sa Asian Zonals sa susunod na taon.
Unang laro ng koponan ay ang Vietnam habang ang iba pang kasali ay ang Indonesia at Myanmar.