^

PSN Palaro

Gilas ‘di makakalaro sa Jones Cup, imbitasyon binawi ng Taiwan

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inasahan nina LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Gabe Norwood ng Rain or Shine na makapagdedepensa ang Gilas Pilipinas II ng kanilang korona para sa darating na 2013 R.W. Jones Cup sa Taiwan sa Hulyo.

Ngunit bunga ng patuloy na iringan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan hing­gil sa pagkakabaril sa isang Taiwanese fisherman noong Mayo 9, hindi inimbitahan ang Gilas II sa Jones Cup.

Ayon kay Tenorio, hinirang na Finals MVP sa paghahari ng Gilas II sa Jones Cup noong nakaraang taon laban sa United States, ang nasabing torneo sana ang gagamitin nila bilang paghahanda sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na naka­takda sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang FIBA-Asia Men’s Championships ang siyang qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.

Panghihinayang din ang nararamdaman ni Nor­wood sa kabiguan ng Nationals na idepensa ang titulo sa Jones Cup.

Sa pang-iisnab ng Taiwan sa Gilas II, sinabi ni head coach Chot Reyes na hahanap sila ng ibang torneo na masasalihan bago ang 2013 FIBA-Asia Men’s Championships.

“We now have to find a replacement tournament as d Jones Cup is such an integral part of our preparation,” wika ni Reyes sa kanyang Twitter.

Sinabi naman ni Philippine Basketball Association Commissioner Chito Salud na kailangang magpa­ka­tatag ang Nationals kahit hindi  inimbitahan ng Taiwan sa Jones Cup.

ASIA MEN

BARANGAY GINEBRA

CHOT REYES

GABE NORWOOD

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

PASAY CITY

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION COMMISSIONER CHITO SALUD

TENORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with