^

PSN Palaro

Rogers ipaparada ng San Miguel vs Slingers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinugot ng San Miguel Beermen si Matt Rogers para tulungan ang koponan sa laro kontra sa Singapore Slingers sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayong hapon sa Singapore Indoor Stadium.

Galing si Rogers sa panandaliang paglalaro sa San Mig Coffee at nagtala ng 20 puntos, 9 rebounds, 2 blocks at 1 assist sa natatanging laro sa PBA laban sa Petron  Blaze na nanalo sa laban, 98-73.

Pero ipinagpasalamat naman ni Beermen coach Leo Austria ang pagiging bakante ni Rogers dahil kung hindi ay naglaro sila taglay lamang si Gabe Freeman bilang kanilang import dahil pinagpapa­hinga ng dalawang linggo si Brian Williams bunga ng kanyang knee injury.

“It’s a good thing that there is a quality import like Matt Rogers who is ready to suit up on short notice,” wika ni Austria.

May 3-3 karta ang Beermen na natalo sa hu­ling laban sa kamay ng Westports Malaysia Dra­gons, 76-82.

Nananalig si Austria na hindi mangangapa si Rogers habang patuloy na makikitaan ng husay si Freeman lalo pa’t mataas ang morale ng Slingers na haharap sa larong itinakda sa ganap na alas-4 ng ha­pon.

Nanalo ang Slingers sa Saigon Heat, 76-72, noong Biyernes na ginawa sa lugar ng huli.

Si Rashad Jones-Jennings na gumawa ng 29 puntos at 19 rebounds ang tatrangko sa Slingers upang maiangat ang kasalukuyang 4-3 karta.

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

GABE FREEMAN

LEO AUSTRIA

MATT ROGERS

SAIGON HEAT

SAN MIG COFFEE

SAN MIGUEL BEERMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with