Aksyon sa BP Visayas Leg sisiklab ngayon 10 ginto nakataya sa athletics

MANILA, Philippines - Sampung ginto ang pag­lalabanan ngayon sa track and field sa pagbubukas ng POC-PSC Batang Pinoy Visayas Leg sa Leyte Sports Development Center sa Tacloban City.

Ang athletics ay isa sa 13 sports na paglalabanan sa palaro na inorganisa ng POC at PSC at tumayo bilang punong-abala ang probinsiya ng Leyte.

Mga ginto ang itataya sa 13-under at 14-15 years old sa 5000-meter, 2000m, long jump, shot put, high jump at 2000m walk.

Ang iba pang laro na bu­buksan ay sa arnis, bad­minton, boxing, chess, taekwondo, lawn tennis, table tennis, swimming, girls softball, dancesports at weightlifting.

Maliban sa huling tatlong sports na ang tagisan ay sa national finals, ang mga gold at silver meda­lists sa ibang paglalabanan ang aabante sa National Finals sa Iloilo City mula Disyembre 5 hanggang 8.

Si PSC commissioner Jolly Gomez ang kumata­wan sa ahensya sa ope­ning ceremonies na dinaluhan din ng dating Leyte Governor at ngayon ay Energy Secretary Carlos Jericho Petilla.

Ang humalili kay Petilla na si Gov. Ma. Mimietta Babulaya ay nakiisa at naghatid ng welcome remarks habang dumalo rin si Vice Gov. Florante Cayunda Jr.

Nagpakita rin ng ma­gandang palabas ang mga mag-aaral ng Eastern Visa­yas State University Air Force Cadets, Tacloban Angelicum, Learning Center at Leyte IDOL champion Charise Daya at runner-up Carlo Martin Igot.

Show comments