Kapag isinara ang Strait of Hormuz
AYON sa latest report na nanggaling mismo kay US President Donald Trump, nagkasundo na ang Israel at Iran sa isang tigil-putukan. Sana ito ay maging pangmatagalan para huwag nang maging maligalig ang buong mundo sa panganib ng World War III.
Nauna rito, may babala ang Iran na ipasasara nito ang Strait of Hormuz bilang ganti sa pambobomba ng Amerika sa mga nuclear facilities nito. Mahalagang malaman maging ng mga ordinaryong mamamayan kung ano ang The Strait of Hormuz at ang papel nito sa world economy.
Maaaring sa marami ay ordinaryong balita lang ito pero kung susuriin natin ay napaka-seryoso ang implikasyon nito kapag nangyari.
Ang Strait ay isang highway sa karagatan sa pagitan ng Iran at United Arab Emirates. Tinataya sa 20 million bariles ng langis o one-fifth ng arawang produksyon ang dumaraan dito bawat araw ayon sa US Energy Information Administration (EIA).
Ang desisyon ng Iran na ipasara ito ay kailangang aprobahan pa ng Islamic Republic’s Supreme National Security Council. Kahit nang magkaroon ng Middle East Crisis, ang Strait of Hormuz ay hindi pa naipasasara. Masyadong kritikal ang implikasyon nito maski sa bansang nagpasara nito. Kahit may sigalot o giyera, bawat bansa ay nabubuhay ng may interdependence. Kung mapuputol ang supply ng krudo, paralisado tiyak ang ekonomiya ng lahat ng bansa dahil ang nagpapatakbo sa mga industriya ay petrolyo.
Kung ang buong world economy ay malulumpo at hihinto ang produksyon, pati Iran at mga kaalyadong bansa nito ay magdurusa. Wala silang napagkukunan ng mga essential goods na naaangkat lang nila sa ibang bansa. May pagkakahawig ito sa bombang nukleyar na kapag pinasabog, pati ang nagpasabog ay tigok!
Tinatayang 35% ng langis na kailangan ng lahat ng bansa ay ibinibiyahe sa Strait of Hormuz.
Sa kalubhaan ng sitwasyong ito base sa pakikidigma ng Israel laban sa Palestimo, Iran at ibang kaalyadong Islamic countries, talagang “one wrong move” ay posibleng sumiklab na nga ang kinatatakutang World War III. Kaya welcome news ang pahayag ni Trump na nagkaroon na ng ceasefire.
- Latest