^

PSN Opinyon

Nasusunog ang mundo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MISTULANG nasusunog ang mundo. May nagaganap na digmaan sa Ukraine-Russia, Israel-Gaza/Palestine, India-Pakistan. Ang mga salungatan na ito ay patuloy na walang malinaw na katapusan habang ang mga nag-aaway ay patuloy na umaatake sa isa’t isa.

Ang imoral na pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay nagpapatuloy nang higit sa tatlong taon, taliwas sa sinabi ng mga Russian na isang madaling gawain. Ang salungatan ng Israel-Gaza ay wala ring nakikitang katapusan, dahil naniniwala ako na ayaw ng Israel magkaroon ng sariling bansa ang mga Palestino. Ang krisis na dulot ng labanang ito, lalo na para sa mga Pales­tino, ay kakila-kilabot.

 Pagkatapos ay mayroong dalawang nuclear powers—India at Pakistan—na kasalukuyang nag-aaway. At ngayon, iniutos si U.S. President Donald Trump ang airstrike sa tatlong nuclear facilities ng Iran, gamit ang kanilang pinakabagong armas —isang 30,000-pound bunker-busting bomb na may kakayahang tumagos sa bato at lupa upang maabot ang nuclear enrichment facility sa loob ng isa sa mga bundok ng Iran.

Ipinahayag ni Trump sa pamamagitan ng kanyang social media platform na ang tatlo ay matagumpay na nabomba. Tinapos niya ang kanyang tweet na ngayon na ang panahon para sa kapayapaan. Kabalintunaan.

Ito ay isa pang halimbawa ng pagiging ipokrito ni Trump. Ilang beses niyang binatikos ang mga nakaraang Presidente tulad nina Bush at Obama dahil sa pagsali ng U.S. sa mga digmaan sa Gitnang Silangan. Sinabi pa niyang sasalakayin ni Obama ang Iran, na hindi naman naganap.

Tumakbo siya sa isang kampanya bilang isang Presidente na magpapatigil sa mga digmaan at hindi magsisimula sa mga ito, na siya lamang ang makakapigil sa World War III, na maa­ari niyang ihinto ang digmaan sa Ukraine sa unang araw ng kan­­yang pagka-Presidente. Wala sa mga pangakong iyon ang na­tupad, at ngayon, mukhang nagdeklara na ng digmaan sa Iran.

Hindi malinaw kung paano tutugon ang Iran sa pag-atakeng ito, ngunit makatitiyak tayo na hindi sila tatahimik. Ang mga base ng U.S. sa buong Gitnang Silangan ay inilagay sa high alert para sa paghihiganti ng Iran. Naghihintay din ang mundo.

Planong harangin ng Iran ang Strait of Hormuz mula sa lahat ng paglalayag. Ang mga barko na may kargang langis ay dumadaan sa Strait of Hormuz, kaya makikita natin kung paano tutugon ang U.S. o maging ang mundo. Asahan na tataas ang mga presyo ng gasolina. Walang magagawa ang mundo kundi maghintay na lang ng balita sa labanang ito.

WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with