Mga payo para lumiit ang bilbil
1. Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang makakain.
2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang.
3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1.
4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain.
5. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada linggo.
6. Palakasin ang masel sa tiyan.
7. Magkaroon ng tamang posture. Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.
8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices.
9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin pagdating ng tanghalian at mapaparami ang makakain.
10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer.
- Latest