^

PSN Opinyon

Nakamamatay ang katiwalian

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MABILIS tumugon sa trahedya si president Ramon S. Ang ng New NAIA Infra. Corp. Sinagot niya agad ang palibing ng dalawang nasawi at pa-ospital ng tatlong nasugatan sa pananagasa ng SUV sa bangketa ng NAIA 1 nu’ng May 4.

Mabilis din ang imbestigasyon ng airport police sa SUV driver. Hindi nga siya lasing at negative siya sa drug test, pero naka-tsinelas lang. Napatunayan sa CCTV footage na bola-bola ang palusot niya na nag-panic siya dahil may biglang dumaang sasakyan sa harap niya. Malamang natapakan niya ang silinyador kaya bumirit ang SUV.

Mabilis din ang utos ni President Bongbong Marcos na imbestigahan ang kumpanyang gumawa ng depektibong bollards sa departure area parking lot.

Ang babaw ng pagkabaon ng bollards: 6 cm lang imbis na standard 60 cm. Sa madaling salita, dinaya ng kontratista. Kaya madali itong tumumba sa sikag ng SUV. Dapat nawasak ang makina ng sasakyan. Ehemplo ito na nakamamatay ang katiwalian.

Kinontrata ang bollards nu’ng 2019 ng Manila International Airport Authority. Ang chairman ng MIAA noon ay si transport secretary Arturo Tugade. Ang vice chairman at GM ng MIAA ay si Eddie Monreal.

Ang halagang P8,010,812.02 ay “para sa kaligtasan ng terminal sa pamamagitan ng pagpigil ng mga sasakyan na pagbangga sa pader”.

Ininspeksyon ba ng MIAA kung wasto ang pagbaon ng bollards? Bakit ito binayaran ku’ng substandard?

Hindi na mahanap ang kontratista. Sabi ng mga netizens na nagsaliksik sa Reddit, nagsara na raw ito. Malakas daw sa Malacañang noon. Tila tumiba lang sa isang proyekto—tapos tumalilis na.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with