^

PSN Opinyon

Kaso ni Anton Que, solved na! — Fajardo

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

UNTI-UNTING nabubuo ng Philippine National Police ang jigsaw puzzle sa kidnap slay ni steel magnate Anson Que o Anson Tan at driver nito matapos mapa-custody ang isa sa main player sa kaso.

Sa pagka-custody kina Gong Wen Li alias Kelly at hairdresser, Wu Ja Bing, naging lima na sa mga suspect ang nasa custody ng SITG ng PNP subalit niliwanag ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na hindi pa closed case and kaso.

Si David Tan Liao ang tinagurian ni Fajardo na mastermind sa kaso at si Gong ang main player nito. Kaya lang ipinaliwanag ni Fajardo na maaring may nasa likod pa nina Liao at Kelly at matutunton ang real mastermind sa kaso kapag natapos na ang pag-trace ng SITG ng ransom money.

Aniya, kung sino ang magwi-withdraw ng main bulk ng ransom money, na na-trace na lumanding sa Cambodia ay maaring masabing mastermind sa kaso ni Que. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Sina Kelly at Wu ay nakorner ng mga operatiba ng PNP, AFP at National Security Council sa Henan Park Resort sa Boracay noong Mayo 17. Itinuro ni Fajardo si Kelly na main ransom negotiator sa kaso ni Que at pinaghinalaan ding may control ng e-wallets kung saan inihulog ang P200 milyong ransom money.

Nakumpiska sa dalawa ang apat na cell phones, mas­kara at luggages kung saan hinahalungkat pa ng mga awto­ridad ang mga ebidensiya sa kaso ni Que. Ayon kay Fajardo, ang mga cell phone ay ipasailalim sa forensic examination, para malaman kung sinu-sino ang tinatawagan nina Kelly at Wu.

May nakuha ring maskara sa dalawa na, ayon kay Fajardo, ay maaring gagamitin ni Kelly para itago ang tunay niyang hitsura sa pagtakas sa Pinas. Eh di wow! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Fajardo, tatakas na sana si Kelly noong nakaraang buwan sakay ang chartered plane subalit hindi ito tumuloy matapos matunugan na may mga nakabantay na SITG sa airport. Kaya ang naaresto lang ay ang kanyang umano’y parents at dalawang minors.

Sinabi pa ng PNP spokesperson na isang chartered plane ang ginamit ni Kelly at pamilya para sa biyaheng Batangas, patungo sa Boracay. Kaya naman ang Boracay ang naisipang pagtaguan ni Kelly at pamilya dahil samu’t saring turista ang naroon at hindi sila mahahalata.

Ayon kay Fajardo, kilala na nila ang may-ari ng chartered plane, at ang piloto nito. Ongoing pa ang investigation kung alam ng may-ari ng chartered plane kung wanted si Kelly.

Depende sa resulta ng imbestigasyon kung kakasuhan ang may-ari ng eroplano. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Lumabas sa imbestigasyon na palipat-lipat ng hotel sa Boracay sina Kelly at Wu upang iwasan ang tumutugis na awtoridad. Lumabas na si Wu ang nagtsi-check-in para hindi ma-trace si Kelly.

Si Wu ay dumating sa bansa ng last quarter ng 2024 at mayroon itong working visa. Inaalam pa kung may kinalaman si Wu sa kaso ni Que at driver nito. Hehehe! Sakit sa ulo itong pinasok ni Wu, ‘no mga kosa!

Sina Liao, Kelly at tatlo pang suspects ay nasa custody ng Anti-Kidnapping Group sa pamumuno ni Col. David Poklay. Inuusisa pa ng Bureau of Immigration kung nilabag nina Kelly at Wu ang immigration laws. Dipugaaa!

Case solved na, subalit hindi pa case closed, ani Fajardo. Abangan!

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with