^

PSN Opinyon

Fight hunger & poverty...AGRI-KAGAWAD

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang matagumpay na buhay sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman ng isang barangay kagawad sa Laguna na nag-susulong ng programang labanan ang kagutuman at kahirapan o to fight hunger and poverty.

Ang aking tinutukoy ay si Agri-Kagawad Niño Cristobal na residente ng No.19 Lily St., Sampaguita Village, San Pedro, Laguna.

Tiyak po ay kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motibasyon ang buhay paghahalaman ni Niño.

Si Niño ay dating nasa corporate world at negosyante na laging nakapustura at kur-bata. Pero ngayon ay pagtatanim ng halaman ang inaatupag niya.

Aniya, nagsimula siyang mag-venture into farming noong kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.

Nagtanim si Niño sa kanilang bakuran para may makain silang sariwang gulay ng kanyang pamilya at para makapaglibang dahil ipinagbabawal ang paglabas ng thanan.

Noong una ay namatayan din ng halaman si Niño pero hindi sumuko sa halip ay lalo pa siyang nagsaliksik at nagtanim nang nagtanim hanggang unti-unti niyang ma-perfect at mapaganda ang kanyang mga tanim.

“Try lang ako nang try sa pagtatanim hanggang matuto at ngayon ay pinakikinabangan ko na ito ay ibinabahagi sa aming mga kabarangay,” aniya.

Mula sa conventional farming o pagtatanim sa lupa sa kanilang bakuran ay lumawak pa ang kaalaman ni Niño sa pagtatanim hanggang subukan na niya ang Hydroponics method of farming, Aquaponics, Smart Farming at Mushroom farming.

Nagtatanim na rin ngayon si Niño sa loob ng kanilang bahay na pawang naka-aircon pa ang kanyang mga halaman.

“From outdoor at may indoor garden na rin po tayo ngayon,” pahayag pa niya.

Mula sa kanilang bakuran ay dinala rin ni Niño sa kanilang barangay ang kanyang ginagawa na noong una ay pinagtatawanan lamang siya.

“Ano raw ba ang magagawa ko sa barangay kung magtatanim lamang ako,” sabi pa ni Niño.

Pero noong makita ang kanyang magandang programa na “food security starts at home to fight hunger and poverty” ay kinagigiliwan at pinapalakpakan ng marami.

Iba’t ibang pagkilala, recognition at award ang ibinibigay ngayon kay Niño at sa Ba-rangay Sampaguita mula sa Local Government Unit o LGU ng San Pedro Laguna, Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA) Department of Inte-rior and Local Government (DILG) at marami pang iba.

Si Niño ay isang tunay na public servant, may busilak na puso at pagmamahal sa bawat mamayan ng Barangay Sampaguita dahil sa kanyang ipinamalas na programa.

Bawat harvest nila ng iba’t ibang uri ng gulay ay ipinamimigay sa kanilang nasasakupan ay ginagamit sa kanilang feeding program ng barangay.

Natatangi ang programa ni Niño na marapat lamang na tularan sa bawat isang barangay sa buong bansa upang makatulong sa anti-poverty at anti-hunger program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay nagbibigay ng libreng seminar si Niño sa mga nais matututo ng kanyang iba’t ibang method of farming.

Ang team ng Masaganang Buhay at Ang Magsasakang Reporter ay sumasaludo sa iyo Niño.

Sa mga residente San Pedro Laguna na nagnanais matuto sa pagtatanim at mag-avail ng mga produkto na tanim ni Niño ay i-text lamang po ninyo siya sa kanyang number na 0917-592-72-22.

Ngayong Linggo, May 25, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Niño sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. 

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with