^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga kandidato, isumite na ang SOCE n’yo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga kandidato, isumite na ang SOCE n’yo

NANALO o natalo ang kandidato, dapat silang mag­­sumite ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) bago ang Hunyo 11, 2025. Ang sinumang hindi makapagsa-submit ng SOCE sa nakatakdang petsa ay pagmumultahin at maaaring­ maharap sa perpetual disqualification o hindi makakaupo sa puwesto kahit ang kandidato ay nanalo.

Sinabi ng Comelec na lahat ng mga kandidato, party-lists, at political parties ay dapat magpasa ng SOCE kahit hindi nanalo; kahit wala silang ginastos at wala rin silang tinanggap na anumang kontribus­yon; kahit umatras sa kandidatura at self-funded ang kam­panya; ay kailangang mag-file ng SOCE. Pinaalala ng komisyon na dapat ay may notaryo ang SOCE at personal na pirmado ng kandidato o ng treasurer ng par­tido o party-list. Kailangan ding magsumite ng hard copies at soft copies sa PDF at Excel format, ka­sama ang external storage device. Tatanggapin ang SOCE mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Naging matagumpay ang katatapos na eleksiyon. Matiwasay at walang naganap na kaguluhan. At kung magiging matagumpay ang Comelec sa panawagan sa mga kandidato ukol sa tamang pagsusumite ng kani­lang SOCE, masasabi ngang matagumpay ang nakaraang election. Ngayon pa lang kung sakali magkakaroon ng election na ang mga kandidato ay tuma­lima sa pagsusumite ng SOCE. Sa mga nakaraang election, nabalewala ang panawagan ng Comelec sa mga kandidato sa pagsusumite ng kanilang SOCE at walang nagawa ang Comelec. Ang matindi pa, ang mga kandidatong hindi nagsumite ng SOCE ay naka­takbo pa sa election. Isang pagyurak sa Comelec.

Pinakamaraming kandidato noong 2013 elections ang hindi nagsumite ng SOCE—umabot sa 5,000 kan­didato. Isa sa mga naging kontrobersiya ng election na iyon ay si Laguna Governor ER Ejercito na gumastos ng P23.5 milyon gayung ang allowed lamang ay P4.5 milyon. Nadiskuwalipika si Ejercito.

Noong 2016 elections, 3,937 ang mga kandidatong hindi nakapagsumite ng SOCE. Marami sa kanila ang nakatakbo uli sa election sa kabila na hindi nagsumite ng SOCE. Walang nagawa ang Comelec.

Noong 2022 elections, kaunti ang hindi nakapagsumite—21 kandidato lang. May mga nakatakbo rin sa kanila kahit hindi nakatupad sa alituntunin. Ayon sa report may kandidatong senador noong 2022 na hindi nagsumite ng SOCE.

Ngayong 2025 midterm elections, mahigpit ang paalala ng Comelec—magsumite ng SOCE habang ma­aga pa. Huwag nang hintayin pang abutan ng dead­line. Sana may makinig sa Comelec sa pagkakataong ito.

SOCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with