Dok Joya Dumpit ng Bauang, La Union, malas sa pulitika!
WALA sa guhit ng palad ni Dok Joya Dumpit, ng Bauang, La Union, ang pulitika. Hamakin n’yo mga kosa, pitong beses ng tumakbo si Dumpit sa pagka-mayor ng Bauang subalit sa kasamaang palad ay hindi pa nananalo. Sanamagan! Malas lang?
Sinabi ng mga kosa ko na hindi naman basta-basta natatalo si Dumpit dahil lumalaban at palaging kokonti lang ang lamang ng mga nananalong mayor. Eh di wow!
Nang nakaraang 2025 midterm election, ang mahigpit na naging katunggali ni Dumpit ay si Bong Lee, ang maybahay ni retired Gen. Ronald Lee. At tulad ng mga nakaraang resulta, plakda na naman si Dumpit.
Ayon sa Comelec tally, si Lee ay nakakuha ng 21,619 na boto, kumpara kay Dumpit na 19,842. Konting puntos lang ‘no mga kosa? At naproklama na ng Comelec si Lee kaya’t naiwan na naman sa kangkungan si Dumpit. Araguyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Siyempre, ayaw maniwala ni Dumpit na uuwi na naman siyang luhaan. Kasi bagyo ang mga pulitikong nakapusta sa kanya, maliban sa asawang si Butch Dumpit, na tumakbong vice governor ng probinsiya. Hindi lang ‘yan, nakalinya rin siya kina incumbent Gov. Rafy Ortega, at tatay nito na si Pakoy Ortega na tumatakbong congressman ng 2nd District ng La Union. Abayyy bagyo nga itong si Mam Joya, ‘no mga kosa?
Subalit tulad ng anim na pagkatalo niya, hindi tatahimik lang si Mam Joya dahil sa ngayon pa lang ay nag-iingay na siya. Inakusahan ng kampo niya si Lee na sangkot sa vote-buying. Sanamagan! Sino ba ang pulitikong hindi sumawsaw sa vote-buying kahit abot-langit pa ang pag-warning ng Comelec na bawal ito?
Kasi nga ba naman, everytime na matatalo si Mam Joya, palagi itong nagpa-file ng election protest. Noong nakaraang 2022 elecitons nga, nagpa-recount pa si Mam Joya dahil 700 lang ang lamang ng kalaban niya. Hayun, talo pa rin! Ano ba ‘yan? Hindi pa talaga angkop kay Mam Joya na maupo sa trono ng Bauang, ‘no mga kosa? Dipugaaa!
Pero hindi dapat maging malungkot si Mam Joya sa pagkatalo niya dahil hindi lang naman siya nag-iisa. Kasama niya ang mga sikat tulad nina Bong Revilla, Willie Revillame, Epi Salvador, Manny Pacquiao at Pastor Apollo Quiboloy na hindi lumanding sa winning circle ng Senado.
Ang mga iyon ay milyones pa ang ginastos subalit sports pa lalo na si Revilla, na tinanggap nang maluwag ang pagkatalo. Kaya ang gagawin lang ni Mam Joya ay rebisahin ang strategy nya at takbo lang nang takbo hanggang makuha ang trono ng Bauang. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa listahan ng Comelec, ang mga survivor lang sa mga celebrities o artista sa 2025 midterm elections ay sina Sen. Lito Lapid at Batangas Gov. elect Vilma Santos.
Ang mga talunan ay sina Luis Manzano, Marco Gumabao, Mocha Uson, Anjo Yllana, Yul Servo, Marjorie Baretto, Dennis Padilla, Aljur Abrenica, Victor Neri, Enzo Pineda, EJ Falcon, Dan Fernandez, Ara Mina, Raymond Bagatsing, Angelika dela Cruz, Zanjoe Marudo, Shamsey Supsup at Abby Viduya.
Hayan mga kosa. Kung noong nakalipas na elections, ang jumping board para manalo ay magiging artista ka muna. Bakit nagbago ang ihip ng hangin? Mga political analysts, pasok! Abangan!
- Latest