^

PSN Opinyon

‘Dirty tricks’ ng pulitiko sa Benguet, ‘di umubra!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TINALO ni re-elected Benguet Rep. Eric Go Yap ang katunggaling pulitikong gumamit ng “dirty tricks”. Nabulgar noong Biyernes na gawa-gawa lamang ang reklamo ng mambabatas na kaapelyido niya.

Napigil ang proclamation ni Yap bilang kongresista subalit inamin ng nagreklamo na bukod sa malaking salaping ibinayad sa kanya, pinaniwala pa siyang magkakaroon ng POGO sa Benguet kapag maihahalal muli ang mambabatas.

Marami ang nagulat na hindi prinoklama ng Benguet Board of Canvassers si Yap noong Martes ng gabi sa kabila ng landslide nitong panalo.

Humingi ng tawad kay Yap ang mambabatas at sinabing binayaran lamang siya ng katunggaling kongresista. Hindi bago ang kawalanghiyaan sa pamamagitan ng “dirty tricks” kay Yap.

Una nang napawalang-bisa ang kandidatura ng kaapelyido ni Yap. Binayaran ng katunggali upang maghain ng COC.

Bigo ang “dirty tricks” laban kay Yap. Kampante si Yap ang mga taga-Benguet ay kakampi niya. Nakita ng mga ito ang taus-puso niyang paglilingkod mula sa kasuluk-sulukang ng Benguet hanggang sa bayan.

Bumalandra ang pulitikong katunggali ni Yap dahil sa maruming pamamaraan ng pangangampanya. May record na pala ito ng kawalanghiyaan. Sangkot ang kanyang construction firm sa mga bidding ng infrastructure projects sa Apayao dahil sa impluwensiya nito bilang opisyal.

Ang matindi pa, mismong ang kompanya niya ay sangkot sa maanomalya at mapaminsalang hydroelectric power plants sa Eddet River sa Kabayan, Benguet.

Hindi umubra ang “dirty tricks” ng natalong kandidato. Matalino na ang mga botante sa Benguet at nakita ito sa nakaraang election.

* * *

Para sa reaksiyon, i-send sa: [email protected]

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with