^

PSN Opinyon

Mapayapa at maayos na election sa bansa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Pinupuri ngayon si Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Gacia dahil sa matagumpay na pagdaraos ng midterm election. Mababa ang election related incidents sa buong bansa hindi katulad ng nakaraang mga election na nabahiran ng karahasan. May ilang napaulat na kaguluhan sa Mindanao pero dahil handa ang Philippine National Police (PNP) hindi naging malala ang sitwasyon.

Mabilis din ang naging resulta ng bilangan kaya madaling naiproklama ang mga nanalong kandidato sa local position. Ngayong araw na ito (Sabado) nakatakdang iproklama ang mga nanalong senador at sa Lunes ay ang mga nanalong partylist group. Nangunguna ang Akbayan sa mga nanalong partylist.

Bukod sa PNP na gumawa nang malaking papel para maging maayos ang 2025 polls, malaki rin ang nagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Dahil sa pagiging handa ng PNP, AFP, BFP at PCG, nabawasan ang pagdanak ng dugo sa Mindanao, Ilocos Region, Cordillera Region at Western Visayas Region.

Sa mga nabanggit na lugar namamayagpag ang private armies ng mga pulitiko. Sila-sila ang nagpapatayan. Marami kasi silang mga baril kaya malakas ang loob. Kahit anong higpit ng PNP ay hindi masawata ang private armies ng mga pulitiko.

Nakamamangha naman ang resulta ng election na ang mga hindi inaasahang mananalo ay nakapuwesto sa una­han. Pumalpak ang survey sapagkat ang mga nangungulelat sa kanila ay biglang napunta sa unahan at ang nasa unahan ay napunta sa huli. Anong nangyari sa mga survey firm?

Sa aking palagay kaya naging ganito ang resulta ng election ay dahil sa mga kabataan. Marunong silang pumili sa iboboto. Ayaw nila sa mga kandidatong walang platapoma. Malaking bilang ng mga kabataan ang nag-participate ngayong eleksiyon kaya naramdaman ang pagbabago sa pagpili ng kandidato.

May mga kandidato para senador na kaalyado ni dating President Duterte ang umangat ang puwesto pero meron ding bumulusok. Hinala ko dahil iyon sa paghuli kay Duterte noong Maro 11, 2025 dinala sa The Hague, para litisin sa kasong crimes against humanity na iniutos ng International Criminal Court (ICC).

Samantala, nalalapit na ang pagdinig sa impeachment case laban kay Vice Presdent Sara Duterte na gaganapin sa Hunyo 30, 20205. Lumalakas naman ang ugong-ugong na papalitan si Senate President Chiz Escudero matapos na muling makabalik sa Senado si Tito Sotto.

Masaklap naman na ilang kongresista na kasama noon sa House quad committee ang hindi nanalo sa election. Ang mga natalo ay mahigpit na kritiko ni Sara. Pero kahit wala na ang mga kongresista na nag-file ng impeachment, pumasok naman sina ML party-list Leila de Lima at Akbayan party-list Chel Diokno.

Sa kabila nito, may narinig akong bulong-bulungan na baka raw hindi matuloy ang pag-impeach kay Sara. Matapos ang midterm election, buong pamilya ng mga Duterte ang nasa posesyon.

Subalit narinig ko rin naman na maraming mamamayan ang gustong matuloy ang impeachment kay Sara upang mabigyang linaw ang tungkol sa milyones na intelligence fund nito na ginastos sa loob ng 11 araw. Isa rin sa isinampang kaso ay ang bantang pagpatay kay BBM, First Lady Lisa Araneta at House Speaker Martin Romualdez.

Abangan!

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with