^

PSN Opinyon

Resulta ng local absentee voting, protest vote!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Protest vote! ‘Yan ang pagsalarawan ng political experts (kuno) sa resulta ng May 12 midterm elections kung saan wala sa surveys ang karamihang nanalo. Sa totoo lang, kung hindi man lamang ang mga alipores ni Tatay Digong ang nanalo, eh halos nakatabla sila.

Ayon sa political experts, nakakatulong sa pagpanalo ng mga alipores ni Tatay Digong ang pag-exile sa kanya sa ICC sa The Hague kung saan s’ya haharap sa kasong crimes against humanity.

Teka, teka, di ba sabi ng mga survey firms ay lamang ang mga Pinoy na pabor na panagutin si Tatay Digong sa EJK? Bakit lumabas sa election ang mga kandidato niya? Ewan ko ba? Forget surveys!

Kung sabagay, maging ang mga opisyales ng survey firms ay nagulat sa resulta ng halalan. Ayon sa isang opisyal, nga­yon lang nangyari na sumemplang sila. Dahil sa mga nakaraang elections, kung may nawala man sa kanilang listahan puwe­deng isang kandidato lang.

Sa 2025 midterm elections, halos tumabla pa ang mga alipores ni Tatay Digong sa kandidato ng Alyansa samantalang bilyones ang ipinamudmod nila para manalo sila. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung nababahala ang Palasyo sa resulta sa pagka-se­nador na limang Alyansa, limang DDS at dalawang dilawan, lalo lang dapat mabahala sila sa kinalabasan ng local at over­seas absentee voting.

Maaring ‘wag nang pansinin ang overseas voting dahil maliwanag naman na ang OFWs ay pabor kay Tatay Digong, kung gagawing basehan ang protest rallies na isinagawa nila sa The Hague at iba pang bansa.

Dapat bigyan pansin ng Palasyo ang resulta ng local ab­sentee voting dahil ang bumoto rito ay mga sundalo, pulis, mga government employees tulad ng titser at media na naka-deploy sa panahon ng halalan.

Ayon sa resulta ng Comelec, landslide ang mga kandidato ni Tatay Digong dito, at ang kasama ay mga kandidato na retired na pulis o sundalo. Araguyyy! Hindi survey ito ha mga kosa? Boto ang pinag-uusapan natin. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa resulta ng Comelec sa LAV, ang nanguna ay si Bong Go sa botong 52,000; pumangalawa si Bato dela Rosa; pangatlo si Sagip Partylist Rep. Atty. Rodante Marcoleta; at pang-apat si Atty. Jimmy Bondoc. Sinundan ito nina Atty. Raul Lambino, Atty. Vic Rodriguez, Atty. Jayvee Hinlo; Ipe Salvador; ex-Army Gen. Ariel Querubin; Pastor Apollo Quiboloy; ex-Sen. Gringo Honasan, at ex-Col. Bonifacio Bosita.

Hayan, political experts, pasok! Kung dinampot sa kangkungan ang mga kandidato ng Alyansa ni President Bongbong Marcos sa LAV, sa tingin n’yo mga kosa, ganito rin ang resulta ng boto ang aktibong sundalo at pulis? Nagbayad sila ng utang na loob sa pagtaas ni Tatay Digong sa suweldo nila?

Pero di ba itinaas din ni Speaker Martin Romualdez ang subsistence allowance ng sundalo na pinasalamatan pa nga ni AFP chief Romeo Brawner Jr. ang una? Tsk tsk tsk! Ang gulo n’yo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Maaring itong resulta ng local absentee voting at masabi kong protest vote, di ba mga kosa? Ano kaya ang masabi rito ni anti-Tatay Digong na si Ate Claire Castro? Abangan!

PROTEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with