^

PSN Opinyon

Alvin Que, pilit idinidiin sa kidnap-slay ni Anson!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAKA ang Chinese community kung bakit pilit na ibinabaon si Alvin Que, sa kaso ng kidnap-slays ng kanyang ama na si Anton Que o Anton Tan at kanyang driver. No less than si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang nag-clear kay Alvin sa kaso sa pagsasabing wala silang corro­borating evidence sa akusasyon ni David Tan Liao na ang anak ang mastermind sa kaso.

Kaya nag-file ang PNP ng motion na tanggalin si Alvin bilang suspects sa kaso. Kaya lang, nitong Huwebes sinabi naman ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon, na hindi pa mabura ang pangalan ni Alvin sa mga respondents dahil hindi pa na-resolved ang naturang motion ng PNP. Araguyyy!

Malaki ang paniwala ng Chinese community na may nang­gugulo sa kaso. Magkano…este paano? Dahil sa urong-sulong ng mga ahensiya ng gobyerno sa sitwasyon ni Alvin, naku­pooo na-traumatized na ito, kasama ang kan­yang pamilya.

Dapat alamin ni Justice Sec. Boying Remulla kung sino ang nasa likod ng pagligwak kay Alvin sa kaso ng kanyang ama. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Kumakalat ang Marites sa Chinese community na si Alvin ang tinawagan ni Anton para mangalap ng ransom money noong nasa custody sila nina Liao at mga kasama sa safehouse ng mga ito sa Bulacan. Gamit ang cell phone ng matandang Que, humingi ang kausap ng $20 milyon ransom, noong Marso 31, dalawang araw matapos mawala sina Anton at driver nito.

Siyempre, tumawad si Alvin dahil wala namang banko na maglalabas ng pitsa may mataas pa sa P10 milyon, di ba mga kosa? Ayon sa mga kosa ko sa Chinese community, idi­ne­liber ni Alvin ang initial ransom money sa 37th floor ng 5-star hotel sa Quezon City. Idineposito ang pitsa sa VIP junket account na, Jiuding account: DANBAO888.

Ang account, ayon sa PNP, ay pag-aari ni alias Mark Ong, Code name: 24K. Si Ong ang itinuturo ng PNP na may-ari ng 9 Dynasty junket casino group, ayon pa sa mga kosa ko. Sanamagan! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Teka, teka, habang nag-uusap ang kidnaper at si Alvin, si­nabi ng mga kosa ko sa Chinese community, na naka-monitor pala sa kanila ang Chinese embassy sa Manila. Ang tumatawag kay Alvin ay nasa lobby ng isang 5-star hotel din sa Macapagal Ave.

Kaya nang mag-live video si Anton kay Alvin gamit ang We-Chat noong Abril 1, inutusan niya ang kanyang anak na “wag na tumawad o mag-haggle ng presyo,” at ibigay ang lahat ng gusto ng kidnaper. Dahil walang alam si Alvin na private bank account ng kanyang ama, nagbigay ng instructions si Anton kung saan-saang account kukunin ang ransom money.

Sinabi ng mga kosa ko na nakalikom si Alvin ng P85 milyon at tulad ng naunang paraan, idineposito niya ito sa parehas na junket account sa 37th floor ng 5-star hotel sa Quezon City. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Noong Abril 3, nakalikom na naman si Alvin ng P160 milyon at pumunta siya sa 5-star hotel sa Quezon City para ideposito ito. Kaya lang nagkaroon ng aberya. Tumalbog ang pitsa. Kaya inutusan ng kidnaper si Alvin na gumawa ng sariling junket account.

Idineposito ni Alvin ang milyones sa kanyang junket account na JD9199. At ang account ang ginamit ni Liao para akusahan si Alvin na mastermind sa kaso ng kanyang ama. Kayganda ng sistema ni Liao ‘no Boss WMS?

Abangan!

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with