Agenda ni Ping Lacson: Maayos na health care
MATAGAL nang batas ang Universal Health Care ngunit maraming dumaraing na hindi ito nadarama ng taumbayan. Bakit nga ba? Ang isang agenda ni senatorial candidate Ping Lacson ay ang maayos at ganap na implementasyon nito. Ngunit Siyempre dapat muna siyang maibalik sa Senado upang matupad niya ito.
Lubhang kailangan ng mga Pilipino ang maayos at abot-kayang serbisyong medikal. Maganda ang batas ngunit hindi sapat na may batas lang na sablay naman ang implementasyon.
Noong 2019 pa naging batas ang Universal Health Care. Dapat sana’y may health center na sa bawat barangay, at hindi na kailangang mangutang o maghintay ng milagro ang mga pasyente.
Pinuna ni Ping na iilan lang ang talagang nakakabenepisyo kasi, maraming health centers ang kulang sa gamit, kulang sa tao, o hindi pa rin naaabot ng mga residente.
Kailangan aniya ang oversight function ng Senado—isang bagay na hindi lang alam ni Lacson, kundi ginagawa talaga niya. Sa rami ng kanyang karanasan sa budget deliberations, alam niya kung paano tututukan at siguraduhing ang pondong inilaan ay napupunta sa tama.
Kung gusto natin hindi lang mga piling barangay ang saklaw ng UHC kundi buong bansa, kailangan natin ng lider na hindi natutulog sa budget hearing. Si Lacson ‘yon. Tahimik pero may ginagawa.
Kung tutuusin, hindi bago sa kanya ang ganitong laban. Matagal na niyang isinusulong ang barangay-level health care system gaya ng modelo sa Cuba—na simple pero epektibo. Alam niya ang solusyon, hindi puro pasikat, kundi may konkretong plano.
Kaya kung ibig natin ng tunay na pagpapatupad ng UHC, hindi ‘yung hanggang press release lang, ibalik natin sa Senado si Ping Lacson. ‘Yun ang malinaw na hakbang para sa kalusugan ng bawat Pilipino.
- Latest