^

PSN Opinyon

Mga bagong mukha naman ang iluklok sa senado

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pakitaas lang ang kamay, mga kandidatong senador ni Rody Duterte. Sino sa inyo ang mangangakong sasakay ng jetski patungong Sandy Cay, magtatanim doon ng bandila ng Pilipinas, at magdedeklarang “amin ito”?

Pakitaas din ang kamay, mga kandidatong senador ni Bongbong Marcos. Sino sa inyo ang mangangakong ta­tang­­gihan at ibubunyag ang anumang pork barrel, maging high­way rock nettings, cat’s eyes, at safety roller barriers, o kun­wari’y pondong kontra-baha at pang-ayuda?

Sa mga ganyang pangako nasilo nina Duterte nu’ng 2016 at BBM nu’ng 2022 ang boto ng marami. Parehong napako.

Hindi na pwedeng pagtiwalaan ang mga partidong politikal.

Ang Partido Demokratiko Pilipino-Laban ay inagaw lang ng mga bilyonaryong cronies ni Duterte mula kay se­nador Koko Pimentel. Lumihis na ito sa landas ng yumaong founder Senate president Nene Pimentel na isulong ang demokrasya at kapakanan ng maralita.

Ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni BBM ay binu­buo ng limang partidong pinopondohan ng oligarchs. Ito ang Nacionalista Party, Nationalist People’s Coalition, National Unity Party, Lakas-Christian Muslim Democrats, at Partido Federal ng Pilipinas.

Puro celebrities at tradisyunal na politiko ang mga nasa senatorial tickets ng dalawang paksyon.

May panukala ang mga nagsawa na sa mga ganyang nagnanasang mag-senador: maghalal ng bagong panga­lan, at mukha magsapalaran sa mga hindi maka-Duterte o maka-BBM.

Wala namang malaking nagawa ang mga kasalukuyang senador. Naghahangad pang maka-balik senado ang marami sa kanila. Tama na, sobra na, palitan na. Magkakaron ang madla ng bagong pag-asa.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with