^

PSN Opinyon

Student, 2 beses niligtas sa Mt. Fuji dahil sa naiwang cell phone!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Dalawang beses na niligtas ng mga awtoridad sa Japan ang isang 27-anyos na estudyanteng Chinese matapos ma-stranded sa Mount Fuji, una dahil sa altitude sickness at ikalawa nang bumalik siya para kunin ang naiwang cell phone.

Unang nailigtas ang lalaki noong Abril 22 habang nasa Fujinomiya trail, halos 3,000 meters above sea level. Nawalan umano siya ng kakayahang bumaba matapos masira ang gamit niyang crampons. Inilikas siya gamit ang helicopter.

Gayunman, makalipas lamang ang apat na araw, bumalik ang estudyante sa bundok upang hanapin ang naiwang cell phone at iba pang kagamitan. Muling kinailangan ang rescue operation nang muli siyang makaranas ng altitude sickness. Dinala siya sa ospital at ngayon ay maayos na ang kondisyon.

Ang insidente ay naganap sa panahong hindi climbing season sa Mount Fuji na karaniwang mula Hulyo hanggang Setyembre. Kapag off-season, sarado ang mga trail at walang bukas na first aid stations sa bundok.

Ayon sa mga ulat, wala pang ipina­pataw na multa sa mga umaakyat sa bundok kapag off-season, kahit pa sila ay ma-rescue. Gayunman, paulit-ulit ang paalala ng mga awtoridad sa Shizuoka na iwasan ang pag-akyat kapag hindi official climbing season lalo na’t marami nang insidente ng aksidente at kamatayan sa bundok sa mga nagdaang taon. Sa kasalukuyan, walang report kung na-retrieve ng estudyante ang cell phone.

MOUNT FUJI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with