^

PSN Opinyon

Karahasan ay lumalaganap habang palapit ang election

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI maganda ang nangyayari sa kapulisan ngayon. Ma­raming opisyal ang nasisibak sa puwesto. May mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang kaso. Habang papalapit ang May 12 election, kung anu-ano ang kinasasangkutan ng mga pulis at pati opisyal. Mayroong kapo-promote lamang ay sinibak na agad ni PNP chief General Rommel Marbil.

Noong nakaraang linggo, binaril si Albuera, Leyte candidate Sherwin Espinosa habang nagsasalita sa entablado at mga pulis ang kanyang inakusahan. Agad namang nagpahayag si Rep. Richard Gomez na drama lamang itong pagpuntirya kay Espinosa.

Marami nang naganap na pamamaril sa pulitiko at maski sa mga opisyales ng Comelec. Hindi pa nabibigyan ng kasa­gutan ang pagbaril kay Espinosa, may binaril na namang pulitiko sa Rizal, Cagayan kamakalawa. Kaya dapat kumilos si Marbil para mahuli ang mga salarin.

Labing-anim na araw na lamang at election na at malaki ang posibilidad na marami pang magaganap na patayan. At habang may patayan, talamak naman ang vote buying at vote selling.

Kung hindi kikilos ang PNP tiyak na dadanak pa ang dugo. Samsamin ang mga baril. Tiyak na may private army ang mga pulitiko. Kung hindi masasamsam ang mga baril, tiyak na magiging magulo ang election. Dadanak ang dugo.

Noon pa mang nakalipas na mga election ay maraming nangyayaring kaguluhan. Kasi nga maraming baril na hindi lisensiyado ang hindi nasasamsam. Laganap ang kagu­lu­han sa North Luzon at sa Mindanao. Dapat bantayan ng Comelec ang mga nasabing lugar para mapigilan ang kagu­luhan.

Samantala, habang papalapit ang May 12 election, dapat mag-isip-isip na ang mamamayan ng tamang kandidato na iboboto. Pag-aralan at alaming mabuti ang pagkatao ng ibo­boto. Kapag hindi naging matalino sa pagboto, tayo ang kawawa sa hinaharap.

ESPINOSA

SHERWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with