^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Drug test sa PUV drivers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Drug test sa PUV drivers

Nakaaalarma na maraming public utility vehicle (PUV) drivers ang nagpositibo sa paggamit ng shabu at iba pang illegal drugs. Nakumpirma ito nang magsagawa ng sorpresang drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Holy Week. Karamihan ay mga driver ng pampasaherong bus na biyaheng probinsiya. Itinaon ang drug testing sa panahon na dagsa ang mga taong uuwi sa probinsiya para gunitain ang Mahal na Araw. Sa ginawang drug testing, 97 PUV drivers ang nagpositibo sa paggamit ng shabu.

Ang 97 na nagpositibo sa droga ay kabilang sa 671 drivers na sinuspende ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya. Nasa 574 naman ang drayber na sangkot sa road crash accident kung saan may mga namatay at grabeng nasaktan noong Holy Week. Iniulat naman ng Land Transporation Office (LTO) na 1,165 na mga sasakyan ang inisyuhan ng show cause order dahil hindi pumasa sa road worthiness check ng ahensya noong Mahal na Araw.

Bago ang Semana Santa, ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Dizon ang pagbuo ng special task force para magrebyu ng road safety policies at magpapatupad nang mahigpit na panuntunan sa tamang pagmamaneho ng mga motorista.

Noong Miyerkules ng gabi, tatlo ang namatay sa malagim na aksidente na naman sa kalsada ang naganap nang isang trailer truck ang umatras at nadaganan ang isang kotse at pampasaherong jeepney sa Bgy. Fortune, Marikina City. Apat na sasakyan pa ang nasangkot sa aksidente. Ayon sa report ng Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), paakyat sa steep part ng kalsada ang trailer pero hindi kinaya at umatras. Naatrasan nito ang mga kasunod na sasakyan at saka tumagilid at napuruhan ang isang kotse at jeepney. Ang daawang namatay ay nakuha sa kotse samantalang ang isa ay sa jeepney. Hawak na ng pulisya ang driver ng trailer truck at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple injury with multiple damage to property.

Halos araw-araw ay may nagaganap na road crash at karamihan sa mga ito ay malalagim. Kawawa ang mga inosenteng pasahero na nadadamay dahil sa kagagawan ng mga drayber na walang kasanayan sa pagmamaneho at ang matindi, nasa ilalim ng ­impluwensiya ng illegal na droga at lango sa alak.

Nararapat magsagawa ng regular na drug test sa PUV drivers ang LTO at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Isagawa ito, hindi lang kung may okasyon na nagdadagsaan ang mga tao sa bus teminal para umuwi sa probinsiya. Kung magkakaroon ng sorpresang pagsasailalim sa drug test ang mga drayber, maiiwasan ang malalagim na aksidente.

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with