Comelec ipakilala natin kay Bb. Heart Aquino
Ano ang mensahe mo sa Comelec? Walang masagot sa Showtime si Bb. Heart Aquino dahil wala siyang alam tungkol sa ahensiya. Turuan natin:
Lesson 1: Ang Comelec, o Commission on Election, ay ahensiyang kung minsa’y matapang at ku’ng minsa’y duwag.
Bakit nakapag-file si Chinese citizen Alice Guo ng kandidatura bilang mayor ng Bamban, Tarlac nu’ng Halalan 2022? Sabi ng Comelec ministerial lang daw o trabahong klerical ang pagtanggap ng certificate of candidacy. Hindi raw kaya ng Comelec repasuhin ang COCs ng mahigit isandaang libong kandidatong pambansa at lokal.
Kung ganon, eh bakit nagpapasya ang Comelec ku’ng sino ang nuisance candidate dahil may sira umano ang utak o walang kakayahang mangampanya? Wala naman ni isang doktor o financial analyst sa pitong commissioners.
Lesson 2: Walang isang salita ang Comelec, ayon sa TNT Trio—dating DICT Sec. Eliseo Rio, dating Comelec commissioner Gus Lagman, at dating FINEX president Franklin Ysaac.
Sige, yabang ng Comelec nu’ng Okt. 2023. Bilangin daw ang boto sa tig-limang ballot boxes kada 15 rehiyon, para patunayan daw na walang dayaan, kontra sa exposes ng TNT Trio.
Sa 30 presinto na lang sa Sto. Tomas, Batangas magbilangan, sagot ng TNT Trio. Isang oras lang ito mula Comelec central office sa Maynila.
Umayaw ang Comelec. Kliyente ng isang commissioner na dating election lawyer ang isang kandidato sa Sto. Tomas. Mabibisto ang dayaan sa buong bansa kung ungkatin ang botohan doon.
Lesson 3: Ipinipilit ng Comelec ang fully automated system kontra sa hybrid. ‘Yon daw kasi ang utos ng batas. Mali! Puwedeng transmission at canvassing lang ang automated pero manual lang ang bilangan ng boto. Malinis at kapani-paniwala kung manual ang bilangan sa presinto.
- Latest