Pagtatanim at pagpapabunga ng ubas
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang simple at madaling pagtatanim at pagpapabunga ng ubas.
Ang ise-share ko sa inyo ay base sa aking personal na karanasan sa aking mga tanim na ubas sa harap, likod at taguliran ng aming bahay na all year round kung mamunga at hitik na hitik pa.
Dalawang uri ng pagtatanim ang ibabahagi ko sa inyo.
Ang una ay mula sa seeds o buto ng ubas. Kapag kayo ay bumili ng ubas sa palengke at natikman ninyo na matamis at akma sa inyong panlasa ay kumuha kayo ng buto nito mula sa hinog na bunga.
Hugasang mabuti ang buto at patuyuin sa hangin ng 24 na oras.
Ibalot sa basang tissue, ipasok sa plastic at ilagay sa isang sulok.
After 2-weeks ay magsisimula nang ma-ging togue at puwede ng itanim sa buhaghag na lupa.
Kung mayroon ka-yong enough space na pagtataniman, maganda itong itanim ng direkta sa lupa na dapat walong oras sa maghapon ay naaarawan. Kung wala naman ay puwede itong itanim sa malaking paso o malaking timba.
Ang ikalawa ay ang pagtatanim mula sa cuttings ng matandang sanga ng ubas.
Piliin ang may mga nods o buko na sanga ng ubas, pumutol gamit ang cutter na isang dangkal ang haba, ibaon ng kalahati sa lupa ang sanga saka diligan ng bahagya araw-araw ang sanga hanggang ito ay tumubo makalipas ang isang buwan.
Kapag may mga dahon na bagong usbong sa sanga ay maglagay ng pataba tulad ng vermicast, chicken manure, carabao manure o kaya ay compost.
Kapag ang itinanim na ubas ay mahahaba na ang sanga at umabot na sa isang taon ang edad nito, puwede na itong pabungahin lalo na kapag sinlaki na ng hinlalaki ng ating kamay ang mismong sanga nito.
Sa pagpapabunga ng ubas kailangan i-pruning ang lahat ng sanga at alisin ang lahat ng dahon.
Matapos ma-pru-ning ay magdilig ng binabad na balat ng saging every other day.
Mag-spray rin kayo ng Fermented Fruit Juice (FFJ) sa mga sanga.
Mapapasin ninyo na ang bawat usbong na sanga ay may kasama ng flower at para matuloy ito na maging bunga ay regular na mag-spray ng FFJ twice a week.
Ganon lang po ka-simple ang aking ginagawa sa aking mga tanim na ubas kaya ang sipag nilang magmunga.
Sa ngayon po ay mayroon akong tatlong variety ng ubas na tanim: ang una ay Brazillian variety, Red Cardinal at Cawtaba na nakapaikot sa aming bahay.
Ang Brazillian at Red Cardinal ang aming kinakain kapag hinog na ang bunga habang ang Cawtaba ay ginagamit naming pang-asim kapag nagluluto ng ribs, hipon at isda na sinigang sa ubas.
Kahit sa mainit na lugar, tulad ng Metro Manila ay puwedeng magtanim at magpabunga ng ubas.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest