^

PSN Opinyon

Daming aksidente noong Holy Week

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SANGKATERBANG aksidente ang naganap sa iba’t ibang lugar sa bansa noong Mahal na Araw. Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 28 aksidente sa kalsada at mga insidente ng pagkalunod.

Sa Bacolod City, dalawa ang patay at 12 pa ang sugatan nang araruhin ng isang Innova na minamaneho ng lasing na Indian national ang nagpuprusisyon. Inamin ng Indian na nakainom nga siya nang masagasaan ang mga nagpuprusisyon. Maraming kasong kahaharapin ang suspek. Leksiyon ito na huwag magmamaneho kapag nakainom ng alak.

Sa Bgy. Maninila, Miag-ao, Iloilo, 30 ang sugatan nang tumagilid ang isang overloaded na pampasaherong jeepney. Pinagkasya umano ng drayber ang 50 pasahero sa jeepney na patungo sa excursion. May mga nakasakay pa sa bubong at may nakasabit. Nawalan ito ng preno habang nasa palusong at kurbadang kalsada. Napurnada ang excursion dahil sa ospital sila humantong.

Nasaan ang mga ipinakalat umano ng PNP na Highway Patrol Group na magbabantay sa mga kalsada noong Mahal na Araw? Kung may HPG tiyak na matatakot ang mga drayber na magkarga ng sobra-sobra. Hindi rin sila magpapatulin sa pagpapatakbo.

Pakitang-gilas lang ba ang ipinakita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon? Palagay ko kulang ang deployment ng HPG sa kalsada noong Mahal na Araw.

Ang isang maganda lang ay walang nangyaring kagu­luhan habang ginugunita ang Mahal na Araw. Very peaceful and orderly. Mabuhay ka PNP chief General Rommel Marbil.

Binabati ko naman si B/Gen. Arnold Thomas Ibay sa pag­katalagang kauna-unahang Police Director ng Negros Island Region. Si Ibay ay dating hepe ng Manila Police District (MPD). Nangako si Ibay nang maayos na serbisyo sa mga Ilonggo. Sa kasalukuyan, naghahanap si Ibay ng lupang pagtitirikan ng headquarter’s ng PNP sa rehiyon. Congra­tulations General Ibay!

HOLY WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with