^

PSN Opinyon

Tiwaling opisyales hadlang sa depensa kontra China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TIYAK magkakadigmaan tayo kontra Komunistang China. Pitumpu’t pitong porsiyento nating mga Pilipino ay lalaban para sa Inang Bayan.

Pero tinatalian tayo sa kamay ng mga tiwaling pulitiko. Dinarambong nila ang katiting na pera ng bayan para sa pagkain, kalusugan, edukasyon, pati pangdepensa ng bansa.

Nu’ng 2023 humingi ang Malacañang ng P50 bilyon para AFP Modernization sa 2024. Tinapyas ito ng Kongreso sa P40 bilyon. Nu’ng 2024 humingi muli ang Malacañang ng P50 bilyong AFP Modernization para 2025. Muli pinutol ito ng Kongreso sa P35 bilyon.

Ibinulsa ng mga pulitiko ang bilyun-bilyong tinanggal sa AFP Modernization. Nampeke sila ng mga flood controls at mga ayudang AKAP-TUPAD-AICS. Ninakaw din ang P90 bilyon ng PhilHealth.

Ano ba ang mabibili ng natitirang P35 bilyon ngayong 2025? Ihambing natin sa mga kagamitang binili nito lang para sa Navy:

• Dalawang frigates mula Korea nu’ng 2021, $554 milyon o P28.25 bilyon. Hindi kasama ang armas, bagong daungan, pagsasanay.

• Dalawang Agusta anti-submarine helicopters, €100 milyon o P5.3 billion nu’ng 2019. Kasama ang paunang maintenance at training.

• Tatlong battery ng BrahMos shore-based anti-ship missiles mula India, $375 milyon or P21 bilyon nu’ng 2022. Apat na launchers at tatlong missiles kada battery; sumatotal 12 launchers at siyam na missiles. Kailangan sa marami pang pampang sa West Philippine Sea, Benham Rise, Balintang Channel, at Sibutu Strait.

• $250,000 o P15 milyon ang sea drone, kasama bomba at guidance cameras. $19,000 o P1.14 milyon ang aerial drone. Kayang palubugin ng limang drones ang isang kalabang barko.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with