^

PSN Opinyon

Magbawas ng timbang para mabawasan ang arthritis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Bawasan ang timbang, para mabawasan din ang arthritis. Ang sobrang timbang ay nagpapatigas ng joints.

1. Alisin sa pagkain ang mantika, taba ng karne, full-fat dairy products at trans fat. Ang arachidonic acid, na nagpapalala ng pamamaga, ay matatagpuan sa karneng baboy, baka, at mga laman loob.

2. Ang mabisang paraan para mabawasan ang timbang ay ang alisin ang mga processed foods, chichirya, matatamis na inumin at mamantikang pagkain.

3. Palitan ng mas maliit ang plato, at kumuha ng kaya lang nguyain. Bagalan ang pagkain para mas makaramdan ng pagkabusog.

4. Bago mag-umpisang kumain, uminom ng 1 basong tubig para mabusog ng kaunti. Puwede ring uminom ng clear soup. Kapag umiinom ng mga likido, medyo nakukumbimsi natin ang utak na nabubusog na tayo.

5. Magbawas sa pagkain ng kanin. Kung dati at dalawang cups ng kanin ang kinakain, gawin na lang isang cup ng rice.

6. Dahan-dahanin lang ang pagpapapayat. Huwag gutumin ang sarili. Kumain ng pakonti-konti sa buong araw, tulad ng mansanas, saging o pandesal, para laging may laman ang tiyan.

SOUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with