^

PSN Opinyon

Kapayapaan, ‘wag digmaan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

May mga nagsasabing humanda tayo sa isang digmaan sa China. Ito’y kaugnay ng ‘di mapawing tension sa West Philip­pine Sea. Wait lang! Mapaminsala at magastos ang giyera at walang panalo riyan.

May grupong nagsusulong ng “kapayapaan at hindi dig­maan.” Binubuo ito ng mga industriyalista, geopolitical scho­lars at mga pambansang leader na pinangungunahan ni dating Senadora Anna Dominique “Nikki” Coseteng.

Ani Coseteng, huwag ituring na kaaway ang China kundi isang kaibigan at simulan, kasama ang bansang ito ang pag­hanap ng mapayapang solusyon sa suliranin. “Walang nana­nalo sa digmaan. Huwag tayong susuong dito,” aniya.

Kasama ang ilang mga media practitioners sa paghanap ng daan tungo sa kapayapaan sa pakikitungo sa China at iba pang kasangkot na bansa sa usapin sa WPS.

Kabilang din sa advocacy group ang industrialistang si Cecilio Pedro, immediate past president ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce (FFCCC), na luma­hok sa Pandesal Forum na inorganisa ng kaibigan kong kolum­nista na si Wilson Lee Flores.

Dalawang geo-political scholars ang lumahok. Ito ay sina Dr. Rommel Banlaoi ng University of the Philippines at New Era University at Prof. Richard Heydarian ng Dela Salle University.

Sa kawalang katiyakang sitwasyon sa mundo, “Kapayapaan ba o giyera ang sagot?” Iyan ang paksang tinalakay. Pinuna ni Coseteng ang pagbili ng pamahalaan ng fighters jets, imbes na ilaan ang malaking halaga sa paglutas sa problema sa pagkain.

Bilang immediate past president ng FFFCC, sinabi ni Pedro na mas mahalagang isulong ang kapayapaan imbes na dig­maan sa China. Kailangan aniya ang people to people inter­action ng mga Pilipino at Chinese upang higit natin silang ma­kilala at mapawi ang hindi pagkakaunawaan.

Lahat ng mga dumalo sa forum ay nagkakaisa sa adhikaing­ humanap ng daan tungo sa kapayapaan upang payapain ang umiigting na tension sa WPS. “Hindi dapat maging option ang digmaan” ani Banlaoi. Tama naman. Nakatatakot ang giyera dahil napakaliit natin para sumagupa sa dambuhalang gaya ng China.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with