Mga pagkaing panlaban sa cancer

1. Tomato sauce at spaghetti sauce – Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng 10 kutsarang tomato sauce bawat linggo (150 ml) ay nakatutulong sa pag-iwas sa prostate cancer. Ang pulang spaghetti sauce ay may lycopene na masustansiya sa katawan.
2. Taho at tokwa – Ang soy products tulad ng taho at tokwa ay may sangkap na genistein, na maaaring makatulong sa pag-iwas sa breast cancer. Sa isang pag-aaral sa Asia, ang mga babaing madalas kumain ng taho at tokwa ay mas hindi tinatamaan ng breast cancer. Sa halip na uminom ng gatas, puwedeng mag-soya milk. Ang tokwa at sabaw sa miso ay mabisa rin.
3. Shitake mushrooms – Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpapalakas sa immune system. Kapag malakas ang immune system, mas hindi tayo magkakasakit. Sa Japan, ang mga pasyenteng nagki-chemotherapy ay pinakakain ng Shitake mushrooms para bumilis ang paggaling.
4. Matatabang isda – Ang mga oily fish tulad ng tuna, tamban, tilapia (3 T’s), at sardines ay sagana sa omega-3 fatty acids. Makatutulong ito sa pagbawas ng pamamaga sa ugat at panlaban din sa cancer. Kapag mas maraming isda ang kakainin mas hindi magkakaroon ng cancer.
5. Yoghurt at probiotics tulad ng Yakult – Ang pagkain ng yoghurt at pag-inom ng probiotics ay makatutulong sa pagpaparami ng lactobacillus o good bacteria sa tiyan. Gaganda ang pagdumi at makaiiwas sa colon cancer.
6. Strawberries, blueberries at cranberries – Ang mga ito ay may sangkap na ellagic acid at polyphenols na tumutulong sa pagtanggal ng cancer cells sa katawan.
- Latest